Una sa Balita

Bambanti Festival 2020 kaabang-abang!

0 239

Abala na ang lalawigan ng Isabela sa paghahanda para sa Bambanti Festival na nakatakda sa Enero 27-31, 2020.

Magiging tema ng selebrasyon ngayong taon ay “Patuloy ang Tagumpay ng Pusong Isabela” (Keep on Victory of Isabela Spirit).

Sa Enero 27, 2020 bubuksan ang selebrasyon sa pamamagitan ng Thanksgi­ving Mass sa St. Michael Cathedral, Upi, Gamu, Isabela na dadaluhan ng mga opis­yal ng pamahalaang panlalawigan, gayundin ng mga municipal at city mayors.

Nakalinya rin ang mga aktibidad gaya ng Queen Isabela Coronation Night, Makan Ken Mainum Competition, Parade of Colors, Street Dance Competition at final judging ng Bambanti Booths at Giant Bambanti na bahagi rin ng selebrasyon ngayong taon kung saan ang tampok ay ang Grand Concert Party sa Isabela Sports Complex.

Nagsimula ang Bambanti Festival noong 1997. Naging Aliw Awards Hall of Famer for Best Festival Practices at Performance noong 2018 at nasungkit ang Guinness World Record Title Holder.

Si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang isa sa dadalo sa festival.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More