Una sa Balita

Bam sa gobyerno: Magbantay kontra rice smuggling

0 359

SAN JOSE, Nueva Ecija — Pinayuhan ni re-­electionist Sen. Bam Aquino ang mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan na maging mapagbantay ­kontra smuggling kasunod ng pagsasabatas ng Rice Tariffication Law.

“Kailangang masiguro na hindi iiral ang ­smuggling. Mahalaga na hindi mangyari ito, dahil kapag may smuggling, mawawala ang taripa na dapat magpapatas doon sa presyo sa local price,” wika ni Sen. Bam, na bumisita sa lalawigan na kilala bilang “Rice Granary of the Philippines.”

Sinabi ni Sen. Bam na dapat tiyakin ng pamahalaan na makikinabang ang mga magsasaka sa 35 porsiyentong taripa na ipapataw sa inangkat na bigas mula sa mga bansa sa Southeast Asia para tulungan sila na maging produktibo.

“Itong pagpasok ng bigas mula sa iba’t ibang bansa. Kailangang ma-manage nang maayos. Napakasakit naman kung ang kikita sa Pilipinas, magsasakang dayuhan at hindi magsasakang Pilipino,” wika ni Sen. Bam.

Dahil maraming kasamang hamon ang batas, sinabi ni Sen. Bam na dapat tutukan ng pamahalaan ang pagtiyak sa kabuhayan ng mga magsasakang Pi­lipino at kanilang mga pamilya sa harap ng pagpasok ng inangkat na bigas sa merkado.

“Unang-una, in the short term, iyong nakalaan na P10 bilyong pondo para sa mga lugar na apektado ng rice
tariffication, dapat makaabot sa kanila,” wika ni Sen. Bam, na tinutukoy ang Rice Competitiveness Enhancement Fund.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy