Una sa Balita

Bam kay Duterte: Salamat sa pay hike ng mga gov’t employee

By
0 400

SA pambihirang ­pagkakataon, pinasalamatan ni Senador Bam Aquino si Pangulong Rodrigo Duterte sa aksyon na mailabas ang ikaapat at huling bahagi ng salary increase para sa government employees at public school teachers.

Ayon kay Aquino, ang dagdag na sahod para sa mga empleyado ng gobyerno ay mala­king bagay upang makaa­gapay sila sa tumataas na presyo ng pagkain at iba pang bilihin.

“Nagpapasalamat tayo sa Pangulo sa desisyon niyang ilabas ang huling bahagi ng pinakahihintay na ­salary increase ng mga manggagawa sa pamahalaan at ating mga guro,” saad ni Aquino.

“Malaking tulong ang umento sa sahod upang mabawasan ang pasanin ng mga empleyado ng pamahalaan sa mahal na presyo ng bilihin,” dagdag ng senador.

Una nang nanawagan ang mambabatas sa Department of Budget and Management (DBM) na gamitin ang Miscellaneous Personnel Benefits Fund (MPBF) upang pondohan ang huling bahagi ng salary hike.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy