Una sa Balita

Bam Aquino inalam ang epekto ng rice quota sa mga Pangasinan farmer

0 467

DINUMOG si re-electionist Sen. Bam Aquino nang dumalo ito sa pagdiriwang ng piyesta sa Mangaldan, Pangasinan kamakailan.

Hindi magkamayaw ang mga dumalo sa pagdiriwang na tinaguriang “Mangaldan Kalutan, Tugtugan tan Sayawan ed Dalan: Lighting of Grill, Music and Dancing in the Streets of ­Mangaldan” sa pagdating ng senador.

Kabi-kabila ang nakipagkamay at ­nagpakuha ng larawan kay Sen. Bam habang ang iba’y ­yumakap at nakipag-usap pa sa senador.

“Nagpapasalamat tayo sa pagkakataon na makasama ng mga taga-Mangaldan sa pagdiriwang na ito,” wika ni Sen. Bam, na tumatakbo para sa ikalawang termino sa ilalim ng Otso ­Diretso slate.

Habang may pinapakalat na fake quote ang mga naninira kay Sen. Bam sa social media, nag-ikot siya sa iba’t ibang bahagi ng Pangasi­nan, mula Alaminos, Bani, Sta. Maria, Tayug, San Quintin, Dagupan, Calasiao, Urdaneta at ­Mangaldan para makipag-usap sa iba’t ibang sektor.

Nakipagpulong si Sen. Bam sa mga magsasaka sa Urdaneta, Pangasinan kung saan inalam niya ang kanilang pangangailangan at pangamba sa Rice Tariffication Act at rice quota.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy