Una sa Balita

Baloyo ‘no show’ sa DOJ re-investigation ng ninja cops

0 529

HINDI sinipot ni Police Maj. Rodney Baloyo ang unang re-investigation ng bagong mi­yembro ng mga panel of prosecutor ng Department Of Justice (DOJ) kaugnay ng kontrobersyal na anti-drug raid sa Pampanga noong 2013.

Batay sa abogadong ipinadala ni Baloyo na si Atty. Donie Rey Muli, walang plano si Baloyo na magsumite ng karagdagang sinumpaang salaysay habang ito ay nakapiit sa Bilibid bunsod ng pagpataw ng contempt ng Senado dahil sa pagsisinungaling.

Humiling naman ang mga kapwa res­pondent ni Baloyo na sina Eligio Veleroso at Anthony Lacsamana na makapagsumite pa ng kani-kanilang mga supplemental document na kinatigan ng panel.

Sa Lunes, Oktubre 21, 2019 itinakda ng panel ang susunod na pagdinig sa kaso. (Anne Lorraine Gamo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy