Una sa Balita

Ballet Philippines at Michael Cinco, sanib-puwersa sa Swan Lake

0 146

“Everything is beautiful at the ballet,” ang linyang ito ay mula sa musical na “Chorus Line”. Mula sa set pieces, costumes, pag-ilaw, mga ballerina at danseur, musika at iba pang element, ang panood ng ballet ay isang karanasang hindi malilimutan. Hindi nagsisinungaling ang linya.

Kaya nga hindi na kataka-taka na ang world famous fashion designer Michael Cinco at ang world class Ballet Philippines ay nagsanib puwersa para sa silver anniversary gala ng “Swan Lake”.

Pahayag ni Cinco sa isang panayam: “I’m talking modern, non-traditional costume design for the entire production, as well as a special, 50-piece collection inspired by elements of the ballet representing Ballet Philippines’ 50 years of being part of Philippine culture and identity housed in the Cultural Center of the Philippines.”

Ang mga costume at gown ay manggaling mula sa Dubai papunta sa Pilipinas. Ang mga lumikha nito ay pawang mga Pilipino sa pamumuno siempre ni Cinco.

“No one has done classical ballet with fashion. It’s going to be a first,” pahayag ni Cultural Center of the Philippines Presi-dent, dating BP president at kasalukuyang head chairperson ng anniversary gala, si Ms. Margie Moran-Floirendo.

Sabi sa opisyal na press release ni Ms. Floirendo; “The decision to collaborate with Cinco happened after a mee-ting with him in Paris in 2017, and the idea of combining two artistic disciplines made sense. We wanted something visual to inspire awe for both BP and Michael Cinco. Like many of our dancers and choreo-graphers, he is someone who is representative of the Filipino culture and has made his mark in the international scene.”

Ang mga haute couture creation ni Michael Cinco, ilan sa mga internationally renowned celebrities na nakapag-suot na nito ay sina Beyoncé, Rihanna, Jennifer Lopez, Mariah Ca-rey at Naomi Campbell.

Ang isang pang kaabang-abang sa “Swan Lake” ay ang pagsasayaw ni BP principal dancer Denise Parungao. Si Parungao ay dating BP ­scholar noong 2010. Pinagwagian niya ang first CCP National Ballet Competition noong 2014 kung saan siya ang itinanghal na first placer. Ngayong taon na ito, naging guest ar-tist siya sa Okamoto International Ballet Festival sa Japan.

Para sa tickets, maaring bumisita sa Ballet.ph para sa “Swan Lake” na mangyayari sa September 29 at gaganapin sa Marriott Hotel Grand Ballroom.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy