Una sa Balita

Ballbuster Ohtani sanggang-dikit sa bulilit!

0 1,107

PAGKATAPOS ng batting practice ng Los Angeles Angels nitong Biyernes, lumapit kay Shohei Ohtani ang isang anim na taong gulang na batang lalaki para hingin ang bat ng Japanese baseball sensation.

“Can I get your bat?” tanong ng bata sa video­ na ipinost ni Joon Lee (@iamjoonlee) ng Bleacher Report.

Natawa si Ohtani, tinuloy ang pagpirma ng autograph, bago umalis hawak pa rin ang kanyang bat.

Makalipas ang ilang minuto, binalikan niya ang bata at inabutan ng bat. Binigay niya ang official Shohei Ohtani model, nakaukit ang kanyang pangalan sa Kanji (Japanese characters).

“He looked really sad when he was asking me,” pahayag ni Ohtani, sa pamamagitan ng interpreter, sa MLB.com. “Hopefully he can swing wih that and become a good player one day … but I can’t be doing this all the time. I’ll run out of bats.”

Panigurado ay may isa pa siyang bat na dala, at ginamit nang maging designated hitter laban sa Kansas City Royals.

Pinabuka ng Angels ang laro nang paliparin ni Ohtani ang una niyang two-out, two-strike, bases-loaded triple sa seventh inning at nilampaso nila ang Royals 7-1. (VE)