Una sa Balita

Balkman, Brownlee ibabangon ang Alab

By
0 1,919

WALANG ibang nasa kukote sina Renaldo Balkman, Justin Brownlee at mga kasama kundi ang ibalikwas ang San Miguel Pale Pilsen-Alab ­Pilipinas mula sa kambal na tilapon sa 7th ASEAN Basketball League elimination round.

Makakagirian nga­yong alas-8:00 ng gabi ng PHL quintet ang Saigon Heat Vietnam sa University of Southeastern Philippines sa Davao City, babawi mula sa kambal na ­semplang.

Bumulagta ang Alab kontra Chong Sun Kung Fu China noong Linggo sa Nanhai Gymnasium sa Guangdong, 79-92, at sa Westports Malaysia Dragons, 89-90, sa MABA Stadium sa Kuala Lumpur.

Inaasahang aasiste sa dalawang import sina Bobby Ray Parks, Jr. at Joshua Urbiztondo. (RC)