Una sa Balita

BaliPure nalunod kina Carlos, Molde

0 330

Mga laro ngayon: (Bacolod City)
4:00pm — Pacific Town-Army vs Banko
6:00pm — Creamline vs PetroGazz

INAKBAYAN nina Diana Carlos at Isa Molde ang Motolite Power Builders sa 25-16, 25-21, 25-19 panalo laban sa BaliPure Water Defenders Premier Volleyball League Season 3 Open Conference kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Kumayod ang dating pambato ng University of the Philippines Carlos at Molde ng tig 17 at 15 points ayon sa pagkakasunod para ilista ang 9-5 karta at palakasin ang kanilang asam na sumampa sa semifinals.

Matapos mauna ng dalaang sets, hindi na nagpaliguy-ligoy ang Builders sa set three, rumatrat agad sila sa simula ng laban sa pangunguna nina Carlos at Molde.

“If we relax a bit, we might get a run for our money.” saad ni Motolite head coach Godfrey. “The game today meant a lot to us and after our previous win, I think and I believe, that all the players and the staff came into this game with all the seriousness.”

Tumipa si Myla Pablo ng walong puntos para sa Motolite habang tig lima ang inambag nina Bernadette Flora at Fenela Risha Emnas.

Nagtala naman si Grazielle Bombita ng 13 markers para sa Water Defenders na nalasap ang pang 11 talo sa 15 salang. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy