Una sa Balita

BaliPure butata kina Morado, Valdez

0 280

WALANG BINATBAT!

RATSADA si setter Jia Morado, tinulungan ang Creamline Cool Sma­shers sa 25-19, 25-18, 25-23 pagwalis sa BaliPure Water Defenders sa pagpapatuloy ng elimination round ng Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference Miyerkoles sa FilOil Flying V Centre.

Namuno sa distribution ng opensa si Morado na may apat na puntos at 19 excellent sets.

“At the end of the day, it boils down to our chemistry,” saad ni Morado.

Winalis ng Cool Smashers ang kalabang koponan sa pangunguna ni Alyssa Valdez na may 16 points, 12 mula sa atake at apat mula sa service ace.

Angat sa 4-1 win-loss record ang Creamline samantala wala pang panalo ang Water Defenders sa lima nitong laban.

“For me, hindi naman maiiwasan na maging complacent after getting two sets. Dun sa two sets na ‘yun, I guess most ng players napasok din ni coach Tai (Bundit), napaikot niya yung players.” Pahayag naman ni Valdez.

Hataw rin para sa sa Creamline si Thai import Kuttika Kaewpin na may 11 puntos na ambag.

Makakatapat ng Cool Sma­shers para sa kanilang second round opener ang BanKo Perlas Spiker sa Sabado, Hunyo 15. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy