Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Balinas Chess matagumpay

0 204

NAGING matagumpay ang pagdaraos ng ‘Baby Uno Chess Challenge’ na pinamagatang ‘Grandmaster at Attorney Rosendo Carreon Balinas Jr. Chess Championship’ nitong Setyembre 6 sa lichess.org.

Sa ika-79 na kaarawan ng ating guru at kumpare na si GM Bali ay nasilayan ang 100 na chess master na lumahok, 654 na manlalaro na nagmula pa sa iba’t bang panig ng mundo.

Msasabing Philippine record at may kabuuang P51,000 ang pabuya na pina-premyo ni Bethesda, Maryland USA based frontliner Dr. Joe Balinas kung saan tumataginting na P10,000 sa kampeon.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa nag-organisa ang ating kumpare na si AGM Marlon Bernardino at Genghis K. Imperial ng Bayanihan Chess Club ay muling magbibigay ng premyo si Dr. Joe Balinas kaagapay si ‘Uncle Paps’ Engr. Antonio Carreon Balinas sa Setyembre 27 na death anniversary naman ng kapatid nilang si GM Bali.

Paborito sa titulo sina GM Mark Paragua, GM Rogelio “Banjo” Barcenilla Jr. at IM Jan Emmanuel Garcia na nag 1st, 2nd at 3rd sa 79th birthday chess ni GM Bali.

By the way, nitong Agosto 22 ay nagdiwang din ng 81st birthday si Egr. Antonio kung saan si Paragua din ang nagkampeon.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.