Una sa Balita

Balikwas ng Beermen inaabangan ni Cone

BUWELTA!

By
0 2,763

Finals Game 2 Ngayon:
(Smart Araneta
Coliseum)
6:30 pm – SMB vs. Ginebra
Gins lead series 1-0

INEKISAN ng Ginebra ang Game 1 ng PBA Commissioner’s Cup ­Finals, pero sigurado si Tim Cone na mas ma­tinding San Miguel Beer pa ang haharapin nila sa mga susunod na laro ng best-of-seven series.

“Everybody was surprised. It’s one of those nights that we have it, and they don’t have it,” ani Cone sa post-game press conference pagkatapos ng 127-99 win ng Gin Kings sa Smart Araneta Coliseum Biyernes nang gabi.

Nagliliyab na sini­mulan ng Gins ang laro, sa likod ng perpektong 8 for 8 shooting ni Justin Brownlee sa first quarter ay umagwat sa 35-20, inilayo sa 69-50 sa break.

“We fired on all cylinders, got on their heels early and didn’t let up,” patungkol ni Cone sa kanyang bataan.

Sa kabuuan ng laro ay 51 for 83 mula sa field ang Ginebra kumpara sa 39 for 100 lang ng Beermen. Mula sa 3-point range ay 13 for 25 ang Gins, 7 for 29 lang ang Beer.

Tumapos si Brownlee ng 42 points, may 20 si Joe Devance at 11 kay Mark Caguioa – nine dito sa first half. May 11 points, seven rebounds at three blocks si Greg Slaughter.

Pagkatapos lang ng three quarters ay malayo pa rin ang Gins, 94-75, mula roon ay hindi na nakaporma ang San Miguel. Hanggang sa fourth, na-outscore ng Ginebra ang SMB, 33-24.

Inaabangan ni Cone ang balikwas ng Beer sa Game 2 mamaya sa Big Dome din.

“We just stirred the beehive,” paglalarawan ni Cone sa napipintong balik ng SMB. “They’re gonna come back big time in Game 2. They’re a veteran team. They’ve been to tougher games. They’re gonna be more forceful in the next game.”

Tumapos ng 27 points si Renaldo Balkman sa SMB, pero 11 of 27 lang mula sa field ang import. Si Christian Standhardinger ay nagsumite ng 26 points, may 13 points at 12 boards si June Mar Fajardo.