Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Balik YouTube na: JaMill nilantad ang madilim na nakaraan

0 13

Balik YouTube ang JaMill (Jayzam Manabat at Camille Trinidad).

At sa loob ng isang oras, umabot na sa 172K ang follower nila.

Nanibago nga raw sila, dahil noon ay ‘road to 13M ang sinisigaw nila’ pero ngayon ay ‘road to 200,000’ na lang ang sinasabi nila.

Anyway, nilinaw nga nila kung bakit nila binura ang kanilang YouTube channel na sangkatutak ang mga subscriber.

“Matagal na kaming nagiging toxic. Open kami sa araw-araw noon. Nasa healing stage kami noon. Hindi sobrang ganda ang nangyari sa amin. Sobrang pangit. Dito kami sinubok sa iba’t ibang klaseng paraan. “Marami pa kayong hindi alam sa nangyari sa amin.

“Parang gusto kaming paghiwalayin talaga. Sinusubok kami, na kami ba talaga. Puro kayo magkasama sa sarap. Paano kaya pag puro naman hirap?

“Noong nawala ang problema, okey na lahat. Biglang nagkaroon ng ipo-ipo sa harap ng bahay. Binuhat ang kubo namin. Sunod-sunod na bad vibes,” kuwento ni Jayzam.

“Sa life, pag malapit ka kay Lord, lahat ng manguggulo lalapit sa iyo,” sabi naman ni Camille.

“Noong nasa kadiliman kami ni Camille, puro kagaguhan nangyayari.

“Nagugulat kami noon na kung ano-ano nangyayari sa amin noon. Walang umaawat sa amin. Mas nakakatakot kapag nasa mali ka, napi-feel mo na tama lahat ang ginagawa mo,” sey ni Jayzam.

“Nag-heal na kami noon. Akala namin ‘yun na `yon. Okey na kami. Pero hindi, eh. May maliit lang na word magti-trigger, diretso na siya. Hindi siya joke. Ang drama mo. Arte mo. Hindi siya ganun. Ang sakit na ng puso mo sa isang araw. Ang sakit ng dibdib mo, hanggang napunta na sa channel, delete na channel,” sabi ni Jayzam.

“Umabot na kami sa point na tinanong, nandito ka lang ba sa akin dahil may channel tayo? Nagkakuwestiyunan na kami.

“Na baka pag wala ang channel na `yan, baka matagal ka na wala sa akin,” sabi pa =ni Jayzam.

Anyway, umabot nga raw sa pag-delete ng channel ay dahil may isang project na in-offer kay Camille.

“May gusto kasing isang brand na kumuha kay Camille. Isa sa kailangan ay counseling. Kung kaya ba ang project na `yon, bago pasukin. So si Camille nag-interview sila, naririnig ko ang mga tanong. Parang chismisan `yon. Bakit daw parang hindi pa okey si Camille? Mga ganun.”

At doon daw sila nag-decide na burahin ang channel nila.

Marami raw masasakit na nakaraan ang dalawa, na ang iba ay ginamit lang sila, mga nagpanggap na kaibigan, pero pinagtawanan sila sa huli.

Marami pang kuwento ang dalawa tungkol sa karanasan nila. Pero, mula raw noong nabura ang channel nila ay naging masaya sila, araw-araw bonding, luto ng pagkain. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.