Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Balik ‘The Clash’ na: Lani may ‘damage’ pa ng sakit

0 16

Magbabalik bilang judge sa papalapit na fourth season ng original musical competition ng GMA Network na ‘The Clash’ si Asia’s Nightingale Lani Misalucha.

Masayang binahagi ni Lani sa Unang Hirit barkada na muli siyang babalik bilang judge sa well-loved singing competition.

“Mabuti naman ang kalagayan ko, pati na rin ang husband ko. Okay naman kami pero, siyempre, tulad nung kasabihan na kapag binagyo ka, medyo may iniwang damage ‘yung bagyo. Parang ganon ang nangyari sa amin.”

Matatandaan na kinailangang huminto ni Lani bilang judge last season. Ayon kay Lani, nagkaroon siya ng bacterial meningitis kaya ilang araw din siyang na-confine sa ICU ng isang ospital.

Kasunod ng kumpirmasyon ng pagbabalik ni Lani sa The Clash Season 4, ibinahagi rin niya ang ilang expectations sa bagong Clashers.

Aniya, “Ganon pa rin naman ang gusto ko, mayroong unique na boses, ‘yung nandoon ‘yung maganda ang pag-deliver ng kanyang pagkanta na parang lahat ng emotions nandoon. Kung ano ‘yung nararapat na emotions sa kanta, nandoon ‘yung maibibigay niya. Ganon pa rin ang hanap ko, uniqueness sa voice and sa performance.”

Kabilang din sa The Clash panel of judges sina Christian Bautista, Ai-Ai

delas Alas. Abangan ang nalalapit na pagbabalik ng The Clash Season 4 sa GMA-7. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.