Una sa Balita

Balik-taping na si Cardo: ‘Ang Probinsyano’ magbabawas ng cast, staff

0 596

Naghahanda na rin pala ang cast, staff ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa pagbabalik-taping nila. Ang lahat naman ng shows ng ABS-CBN ay may guidelines na dapat sundin, kaya panay-panay na ang online meetings nila.

Ang dinig ko, lilimitahan lang ang kasali sa taping ng action series ni Coco Martin. Kailangang gawin ‘yon dahil hindi nga puwedeng napakaraming kasama sa set dahil ‘yon na nga ang new normal ngayon dahil nga sa COVID-19 pandemic.

Gustuhin man daw ni Coco na lahat ng mga dating kasama sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ay makasama pa rin sa pagre-resume nila ng taping ay hindi talaga puwede.

Pero knowing Coco na sadyang magtulungin, I’m sure, patuloy niyang tutulungan ‘yung mga dating involved sa kanyang action series na hindi na maisasama sa kanilang pagre-resume ng taping.

And yes, like ‘yung ibang Kapamilya network shows, ila-lockdown din daw ang lahat ng involved sa pagbabalik-taping ng action series ni Coco.

Mga prima-donna star bawal na sa new normal

Dahil nga sa new guidelines ngayon sa tapings at shootings, asahan na wala na tayong mapapanood na big scenes na maraming stars and extras na involved.

Ang balita ko, marami raw sa existing shows ang nagre-revise ng kanilang mga natapos na na script dahil maraming mga bawal na na mga eksena.

Hindi rin naman maiiwasan ‘yon lalo na at may malaking banta pa rin ang pandemic na ito sa lahat sa atin.

Ang magandang dulot lang ng new guidelines sa tapings at shootings, bawal na ang mga pa-prima donna sa set dahil sa rules and regulations na dapat sundin, huh!

Pokwang tuloy ang pagtulong sa mga kapuspalad

Ang bongga lang ng ABS-CBN comedienne na si Pokwang. Aminado siya na marami talagang bashers na puro naman mga troll lang, kaya kesa pumatol pa raw siya at ma-stress lang, mas nagko-concentrate na lang siya sa pagtulong sa mga nangangailangan.

Tuloy lang daw ang paayuda niya. Ang taray nga ni Pokwang dahil napakaraming bigas ang ipinamigay niya.

Sako-sakong bigas nga ang paayuda kamakailan ni Pokwang at pinasalamatan niya ang Andrew’s Fund PH na tumulong daw sa kanya na maihatid ang lahat ng tulong niya sa mga nangangailangan.

Ang bongga rin ni Pokwang sa pagtulong, sa totoo lang!

Agree, Dondon?!

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More