Una sa Balita

Balik tanaw sa mga Lodi ng 80s

By
0 2,004

Naaalala n’yo pa ba ang ground-breaking moments noong Dekada ‘80? Isa sa sinasabing pinakamaganda at phenomenal decade ang ‘80s dahil dito pumasok ang mga pagbabago sa sining ng musika, pelikula, fashion at pati na ang mga bagong nadiskubre sa larangan ng science at technology.
Kabilang sa mga 80s ground-breaking moment na naganap sa mundo ay ang 1981 Royal Wedding nina Prince Charles at Lady Diana Spencer in London; unang pag-launch ng Space Shuttle Columbia noong 1981; ang pagbagsak ng Berlin Wall noong 1989; ang paglabas ng kauna-unahang IBM Personal Computer in 1981; ang pagdaos ng Live Aid concert in 1985 para makatulong sa naganap na famine sa Ethiopia; ang second new wave music invasion sa American music industry in 1982 tulad ng Duran Duran, Culture Club at Spandau Ballet; ang pagkapanalo ni Michael Jackson ng walong Grammy Awards in 1984; The Last Emperor won 9 Oscar Awards in 1987; at ang hindi malilimutang Chernobyl disaster in Ukraine noong 1986.
Sa Pilipinas, lalo na sa mundo ng sining, maraming hindi malilimutan na kaganapan noong dekada ‘80 at ating babalikan ang iba sa mga iyon…

70% TV rating ni Kris hindi makabog

FILM & TELEVISION:
Pagkatapos ng 1986 EDSA People Power Revolution, na­ging unang TV guesting ni Kris Aquino ay sa showbiz talk show ni Inday Badiday na See True sa IBC-13.
Fresh na fresh ang 14-year-old na si Kris sa unang pag-upo niya sa panel discussion ng See True.
Nag-rate ang naturang episode ng 70 percent, making it the “highest rating ever in Philippine television history.”
30 years ang nagdaan, pero hindi pa rin natatalo ang 70% rating na iyon ng See True ng kahit na anong TV show.
Taong 1984 nang ipalabas ang tinatawag na “phenomenal youth-oriented film of all-time” na Bagets. Ni-launch ng Bagets ang showbiz career nina Aga Muhlach, na naging sought-after leading man of Philippine showbiz; at ni Herbert Bautista na mula sa pagiging box-office comedian ay pinasok ang politics at naging mayor ng Quezon City.
Nagsimula rin ng kakaibang trend in fashion ang Bagets at ang term na “bagets” ay ginagamit pa rin hanggang ngayon para i-describe ang mga tee­nager.
Ang Dekada ‘80 din ang tinawag na “Second Golden Age of Philippine Cinema” dahil sa mga critically-acclaimed at award-winning films nila Lino Brocka (Bona, Kontrobersyal, Kapit Sa Patalim, Maging Akin Ka Lamang), Mike de Leon (Kisapmata, Sister Stella L), Eddie Romero (Kamakalawa), Ishmael Bernal (City After Dark, Himala, Relasyon, Broken Marriage, Hinugot Sa Langit, Pahiram Ng Isang Umaga), Peque Gallaga (Oro, Plata, Mata, Scorpio Nights), Marilou Diaz-Abaya (Moral, Brutal, Karnal), Celso Ad Castillo (Paradise Inn), Mario O’Hara (Bulaklak Sa City Jail), Maryo J. Delos Reyes (Tagos Ng Dugo, Kapag Napagod Ang Puso, Hindi Mo Ako Kayang Tapakan), Elwood Perez (Bilangan Ang Bituin Sa Langit), Danny Zialcita (Langis at Tubig, Gaano Kadalas ang Minsan, Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi), Chito Rono (Private Show, Itanong Mo Sa Buwan, Olongapo: The Great American Dream) at Laurice Guillen (Salome).

Lea unang Asian sa Broadway, Tony

MUSIC & THEATRE:
Taong 1989 nang mapili ang 18-year-old na si Lea Salonga bilang kauna-una­hang Kim para sa musical ni Cameron Mackintosh na Miss Saigon.
Ito ang unang pagkakataon na isang Pinoy ang gagawing bida sa isang malaking musical na itatanghal sa Theatre Royal at Drury Lane in London’s West End.
Karamihan ng cast ng original Miss Saigon ay mga Pinoy tulad nina Monique Wilson (Kim understudy), Isay Alvarez, Robert Sena, Jojo Briones, Pinky Amador, Michael Williams among others.
Naging big hit ang Miss Saigon noong magbukas ito noong September 1989. Na­panalunan ni Lea ang Laurence Olivier Award for best actress in a musical at siya ang kauna-unahang Asian na nanalo ng Tony Award nang magbukas ang Miss Saigon on Broadway in 1991.
Hanggang ngayon ay mga Pinoy pa rin ang kinukuhang cast para sa Miss Saigon saan man sila magtanghal sa buong mundo. Ang iba pang Pinay na gumanap na Kim ay sina Jenine Desiderio, Ma-Anne Dionisio, Jamie Rivera, Ima Castro, Caselyn Francisco, Joanna Ampil, Riva Salazar, Renee Montemayor, Roanne Monte, Tanya Manalang, Miriam Marasigan, Carla Guevara, Leila Florentino, Maya Barredo, Joan Almedilla, Julia Abueva, Eva Noblezada and Emily Bautista.
1986 nang matatag ang Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM), isa itong non-profit corporation na ang hangad ay ang maprotekta­han ang mga Pinoy singer pati na ang kanilang mga musika.
Ang mga naging unang miyembro ng OPM ay sina Celeste Legaspi, Mitch Valdes, Regine Velasquez, Pops Fernandez, APO Hiking Society, Kuh Ledesma, Jose Mari Chan, Ogie Alcasid, Martin Nievera, Gary Valenciano, Dingdong Avanzado, Joey Albert, Manilyn Reynes, Lea Salonga, Sheryl Cruz, Tina Paner, Lilet, Rodel Naval, Janno Gibbs, Joanne Lorenzana, Francis Magalong, Raymond Lauchengco, Rachel Alejandro, Keno, Lou Bonnevie, Zsa Zsa Padilla at Sharon Cuneta.
Ang mga naging proyekto ng OPM ang ang paglikha ng mga original Filipino musical tulad ng Katy, Kengkoy Loves Rosing, Magsimula Ka at ang dinner-theater show na Awit A La Carte.

Melanie WAGI NG ‘Face of the 80s’ sa New York

PAGEANTRY & FASHION:
Napansin ang ganda at talino ng Pinay sa mga international beauty pageants noong ‘80s. Kabilang na rito ang Miss Asia kunsaan napanalunan ng Pilipinas ang tatlong Miss Asia title noong 1982, 1983 at 1989.
Unang Miss Asia winner ng Pilipinas ay si Maria Del Carmen Ines Zaragoza sa pageant na ginanap sa Malaysia in 1982. Back-to-back win ang Pilipinas nang mapanalunan ni Gloria “Bong” Dimayacyac ang Miss Asia title in 1983 na ginanap dito sa Pilipinas.
Taong 1989 nang muling masungkit ng Pilipinas ang Miss Asia title in Hong Kong with Lorna Legaspi as the country’s representative.
Maging sa prestigious Miss Universe pageant noong 1980 at 1984, naglikha ng ingay ang Pinay.
Naging isa sa early favorite ng Miss Universe 1980 na ginanap sa Seoul, Korea ang Philippine representative na si Maria Rosario “Chat” Silayan. Nagtapos bilang 3rd runner-up si Chat at nanalo ng korona ay si Miss USA Shawn Weatherly.
Dahil ama ni Chat ang aktor na si Vic Silayan, pinasok na rin niya ang showbiz. Unang pelikula niya ay bilang leading lady ni Fernando Poe, Jr., sa pelikulang Ang Maestro noong 1981.
Sa Miss Universe 1984 in Miami, Florida, naging paborito si Miss Phi­lippines Maria Desiree Verdadero dahil sa exotic beauty niya. Nakuhang puwesto ni Desiree ay 3rd runner-up at nanalo that year ay si Yvonne Ryding ng Sweden.
Hindi pinasok ni Desiree ang pag-aartista pero naging in-demand model siya sa kanyang pag-uwi ng Pilipinas. Isa si Desiree sa founding member ng Professional Models Association of the Philippines or PMAP na tinatag noong 1987.
Taong 1986 nang mambulaga ang former Miss International 1979 Melanie Marquez dahil ni-represent niya sa ­unang pagkakataon ang Pilipinas sa Supermodel of the World competition.
Noong manalo si Melanie bilang Face of the ‘80s sa New York, pinili nito na i-represent ang Pilipinas kesa ang USA para sa Supermodel of the World ng Fords Model Inc.
Nakipag-compete si Melanie sa mga modelo na ga­ling sa iba’t ibang bansa. Sa bandang huli, first runner-up si Melanie sa 14-year-old Canadian model na si Monika Schnarre.
Si Melanie ang nagbukas ng pinto para muling mapansin ang Pinay sa international mo­deling scene.
Ang iba pang Pinay model na pinadala sa Supermodel of the World competition ay sina Tweetie de Leon, Lala Flores, Charo Ronquillo, Charlene Almarvez at Danica Magpantay na napanalunan ang title noong 2011.