Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Balik socmed: Kris tuloy na ulit ang show sa TV5

0 1,539

Tuloy na ba ang show ni Kris Aquino sa TV5? Matapos nga ang ilang linggong pananahimik, bigla ngang nanggulat si Kris sa Instagram.

Pero siyempre, wala siyang ibinigay na detalye sa kung anon a ba ang sitwasyon ng show niya. Basta ang sabi lang niya…

“An explanation; something I cannot give you because I don’t possess clear facts. But my heart knows that the station where I was to have a block time slot is part of a huge conglomerate that took a risk with me with their prized jewels when I embarked on my digital journey in 2017.

“And I believe in their leader’s integrity. That conviction though tested, because after all I am human, remains steadfast.

“When others turned their backs on me, his group opened their doors…kaya simple lang, smart na ako…”

Teka, ang Smart ba ay kapatid ng TV5 o Cignal kaya?

Well, abang-abang na lang tayo!

Dahil kay Catriona: Sam, Clint nangangamoy suntukan

May pakiramdam ang mga fan na posibleng umabot sa suntukan ang sitwasyon nina Clint Bondad at Sam Milby, ang ex at present dyowa ni Catriona Gray.

Ngayong aktibo na kasi ulit sa social media si Clint, may mga pinu-post ito sa Instagram story niya na nababanggit si Sam.

Tulad na lang ng IG story niya na kung saan ay parang nag-dm (direct message) siya kay Sam.

“How about we have a little chat”

“You want to become my client?”

“Your rate shall increase after 5:30.”

Marami ang naguguluhan sa mga IG story na `yan ni Clint, na china-chat nga nya si Sam. Ano kaya ang pahiwatig na ito ni Clint? At anong klaseng kliyente kaya ang tinutukoy niya?

May mga naghihinala na hindi pa rin nakaka-move on si Clint sa nangyari sa kanila ni Catriona. At pinakikiusapan siya ng mga fan niya na mag-move on na at ayusin ang sarili.

Well, inaabangan ng mga fan kung paano magri-react si Sam sa ginagawang ito ni Clint.

Leave A Reply

Your email address will not be published.