Una sa Balita

Balik sigla ang PH auto industry

0 313

Hindi kaila na na­ging matamlay ang car industry ng Pilipinas nang baguhin ang sistema ng buwis sa ilalim ng TRAIN Law. Dahil tinaasan ang buwis sa mga sasakyan maliban sa mga pick-up, naudlot ang bentahan ng sasakyan noong ­unang taon ng TRAIN Law.

Pero noong 2019, sumipa ang industriya na nagtala ng 3.69% growth kumpara sa nakaraang taon, ayon sa news report ng AutoIndustriya.com.

Umabot sa 416,637 sasakyan ang pinagsamang benta ng CAMPI (Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines, Inc.), AVID (Association of Vehicle Importers and Distributors) at TMA (Truck Manufacturers Association) mula Enero-­Disyembre 2019.

Malaking bahagi ng bentahan ay binubuo ng commercial vehicles (SUV, MPV, pick-up, crossover, truck, at bus) na 69% ng buong benta, samantalang 31% lang ang mga passenger cars. Linawin natin na marami sa tinatawag na commercial vehicles ay ginagamit na pribadong sasakyan (SUV, crossover, pick-up at van) at hindi sa panga­ngalakal. Special mention ang pick-up dahil ­libre ang mga ito sa pagbabayad ng excise tax; dahilan kung bakit nagkaroon ng ibayong ­sigla ang bilihan nito.

Sa loob ng mahabang panahon, patuloy ang pangunguna ng Toyota na may 38.74% market share mula sa 161,395 units sold. Mas mataas ito ng 5.91% mula sa nakaraang taon. Nangunang bestseller sa lineup ng Toyota ang Vios, Hilux at Innova.

Kasunod ang Mitsubishi Motors na naka­benta ng 64,095 units para sa 15.40% market share. Sa kabila nito, bumaba ang benta ng 3.05% kumpara sa 2018. Ang mga bestseller naman ng Mitsubishi ay ang Mirage/Mirage G4, Xpander at Montero Sport.

Pangatlo ang Nissan na nakakuha ng 10.25% share sa bilang na 42,694 units. Kumpara sa nakaraang taon, lumaki ang benta ng Nissan ng 22.15% para umakyat sa ikatlong puwesto; tulad ng mga bestseller na ­Navara, Terra, at Urvan.

Related Posts

Pang-apat ang Hyundai na bumenta ng 33,762 units sold (8.10% market share). Mas mababa ito ng 4.63% mula sa 2018 sales report. Bestseller ng Korean brand ang mga Accent, Reina at H100.

Nasa pang-limang puwesto ang Suzuki dala ng 21.17% growth noong 2019. Ang 23,919 units sold nito ay sapat para makuha ang 5.74% share ng merkado.

Nahulog sa ika-6 na puwesto ang Ford dahil umabot lang sa 21,900 units ang benta, sa kabila ng malakas na demand para sa bestselling Ford Ranger.

Kasunod ang Honda sa bentang 20,338 units; negative 12.69% ito kumpara sa nakaraang taon. Walang bestseller ang Honda na puwedeng ipangtapat sa mga pickup, van at medium SUV – ang mga mode­long mataas ang bentahan.
Steady ang Isuzu na may 13,971 units. Dalawang taon nang nawawala ang bestseller na Isuzu Crosswind.

Sa hiwalay na report, sinabi ng MG na bumenta sila ng 5,085 units. Naungusan nito ang Kia na may bentang 5,019 units. Ang Kia ay nasa ilalim na ngayon ng ­Ayala Corporation.

Kung truck at bus naman ang pag-uusapan, patuloy ang pangunguna ng Isuzu na nagtala ng 6,279 units sold noong 2019. Malaking tulong sa bentahan ang PUV modernization program at ang Build, Build, Build construction program. Ikalawa ang Hino sa 3,665 units; kasunod ang Foton sa 2,064. Ika-apat ang 1,583 units sold; sunod ang Hyundai sa 907 units.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More