Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Balik Siargao: Andi kinaiinggitan ng mga kapwa artista

0 184

Malaking bagay na online schooling pa rin ngayon ang mga estudyante dahil sa pandemya. Kaya nakasama pa rin ni Andi Eigenmann ang panganay na anak kay Jake Ejercito na si Ellie.

Balik Siargao na nga si Andi after ng walong buwan din niyang pag-stay sa Manila. Kasama ni Andi ang partner na si Philmar Alipayo at ang dalawa nilang anak.

Kitang-kita sa mga posting ni Andi kung gaano nila ine-enjoy ngayon ang nature, ang dagat na na-miss din niya ng ilang buwan.

Ang dami rin naiinggit sa kind of life ni Andi ngayon kasama ang mga anak. Halos karamihan sa mga comment ng mga kapwa artista niya, sa recent IG post niya na naliligo sa dagat sina Ellie at Lilo ay “jealous.” “Kainggit” “Sarap” “Sana All”.

Sabi nga ni Andi, “Soaking up the sun! Back to our old routine of daily morning swims at the beach. It feels so good to be back in paradise with the loves of my life.”

Nico nagmakaawa kay Heussaff

Humingi ng paumanhin si Solenn Heusaff. Pero para sa amin, walang dahilan para mag-sorry siya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

May mga tumuligsa at diumano’y offensive ang subject ng arts at pictures ni Solenn na ang ipinapakita niya ay ang kahirapan daw ng Pilipinas.

Arts nga. Kanya-kanyang interpretasyon at kanya-kanyang expression ‘yan. Walang-wala kaming nakikitang offensive sa mga painting ni Solenn. In fact, napakaganda at napaka-talented nito, a gifted painter talaga.

Kung madalas man sa subject niya ay street scenes, buhay squammy, anong isyu? Yun naman talaga ang isa sa reyalidad sa bansang ito. Parang ang O.A. na punahin si Solenn dahil dito.

Bakit ang karamihang indie films na gawa pa ng mga sinasabing internationally acclaimed filmmakers na inilalahok pa sa iba’t ibang film festival abroad, ‘di ba’t kadalasan dito, ang lugmok na poverty ng bansa ang ipinapakita? Poverty, Drugs na madalas, parang ang mga sex scenes naman din ang isa sa gustong maitawid. Nananalo pa ng mga International awards, so why with Solenn, issue at ile-label na poverty porn?

Naglabas pa rin ng apology si Solenn sa pamamagitan ng kanyang Instagram account sa mga na-offend niya raw. Pero para talaga sa amin, hindi niya kailangang mag-sorry.

Aliw naman ang comment ng Mister niya na si Nico Bolzico sa post niyang yun.

Sey ni Nico, “Your heart is the reason I fell in love with you. You inspire me everyday, as a wife, friend, mum, daughter, sister and artist. Love you bebu. Please never leave me!”

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.