Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Balik showbiz na: Vilma bet binyagan sina Daniel, Enrique

0 176

Mukhang magbabalik showbiz na ang Star for all Seasons na si Vilma Santos.


Hindi nga tumakbo si Ate Vi sa anumang posisyon ngayong eleksyon. Tatapusin na niya ang pagiging congresswoman hanggang May 2022.

“This year, election year, I took a backseat. Hindi muna ako tumakbo bilang isang public servant. Pero I thank God sa tiwalang ibinigay sa akin, kasi up to now I’m still a congresswoman hanggang May.


“Napunta sa third priority ‘yung showbiz life ko. Kaya ngayon na medyo I took a backseat, I’m excited na baka naman mabigyan ko ng priority ang pinagkakautangan ko ng loob, which is show business. I started here since 9 years old, nandito na ako sa pamilya ng showbiz,” sey niya.

May usap-usapan na mag-acting comeback si Ate Vi sa isang special episode ng Maalaala Mo Kaya. Huling paglabas niya sa MMK ay noong 2006 pa sa epsiode na Regalo with Maja Salvador.

Sa movies naman, huli siyang napanood sa Everything About her noong 2016 with Angel Locsin.

Kapag natapos na raw ang term niya as Lipa City congresswoman sa June 2022, open na raw si Ate Vi sa pagtanggap ng acing projects at gusto niyang makatrabaho ang mga baguhang artista ngayon.

“23 years din akong nasa mundo ng politics, ‘di ba? Mula sa pagiging mayor ng Lipa City, to Batangas governor at Lipa representative. Ang gusto ko, given a chance, makasama ko ang new breed of actors natin na magagaling talaga. A good script with our new breed of actors, I’m looking forward and I’m excited na makagawa ng isang teleserye or movie with them,” sabi pa ni Ate Vi, na umaming gusto niyang makasama sina Daniel Padilla, Enrique Gil.

Ay, bongga `yan at mabibinyagan nga ang dalawa sa matinding aktingan ni Ate Vi. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.