Una sa Balita

Balik-ROTC

0 267

Kaye Dacer

Good news para sa Malacañang sa pagpasa ng Kamara sa panukalang pagbabalik-implementasyon ng mandatory Reserve Officer’s Training Course (ROTC) sa senior high school.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo gusto ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ilalim ng ipinasang panukala bago maka-graduate ang mga nasa Grade 11 at 12 sa lahat ng senior high school sa public at private schools ay kailangang sumalang sa ROTC.

Nakakagulat ang big­laang pagpapasa sa panukalang ito at isa ako sa nabigla sa mga pangyayari.

Alam naman kasi nating lahat na dahil sa ROTC ay maraming karahasang nangyari sa loob at labas ng mga eskuwelahan.

Hindi man agad na naiugnay ang mga nangyaring karahasan sa ROTC pero talaga namang nagkalat noong mga panahong may ROTC ang mga siga-sigaang mga estudyante at mga nagtuturo ng ROTC.

Marami ring mga kababaihan ang naabuso ng mga nagtuturo sa ROTC kapalit ng pagpasa sa kanila sa kurso. May bentahan din ng grades na nangyari at kung anu-ano pang kabulastugan kapalit ng pagkakapasa sa ROTC.

Kaya sana naman ay makita ang mga negatibong aspeto sa sandaling tuluyan nang maibalik ang ROTC sa eskuwelahan.

Walang problema sa pagbabalik ng ROTC kung maayos itong ipa­tutupad ng Department of Education (DepEd).

Oo nga’t nagbigay ng kasiguraduhan si DepEd Secretary Leonor Briones na hindi dapat mangamba sa pagbabalik sa ROTC pero hindi ito sapat. Kailangan nating makitang tinutupad ng DepEd ang kanilang tungkuling protekta­han ang kaligtasan ng mga estudyante.

Habang maaga ay dapat na ihanda na ng DepEd ang mekanismo para matiyak ang proteksiyon at kaligtasan ng mga estudyante.

Ayaw nating mangyari sa pagbabalik ng ROTC ang malalagim na hazing na ikinamatay ng ilang estu­dyante.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy