Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Balik-eskuwela sa NCR kasado na – CHED

0 271

Maaaring simulan na ng mga unibersidad at kolehiyo sa Metro Manila ang expanded limited face-to-face classes para sa iba’t ibang kurso.

Ito ang inihayag ni Commission on Higher Education (CHED) chairman Prospero De Vera makaraang ibaba na sa alert level 2 ang National Capital Region (NCR).

“Handa na ang mga eskuwelahan. Ngayong mataas na ang vaccination at marami ng mga bakunadong estudyante at faculty, palagay namin panahon na para buksan na sa lahat ng degree program. Ito ay expanded limited face-to-face na sinimulan natin noong January,” ani De Vera.

“Kailan? Depende kung kailan mag-a-apply `yong mga school, kailan sila mai-inspect at kung kalian sila ma-authorize. `Pag na-authorize na sila, kinaumagahan puwede na sila mag-face to face. Depende kung gaano sila kabilis mag-apply,” dagdag ni De Vera.

Sinabi ng opisyal na maraming eskuwelahan ang may gusto ng kumbinasyon ng face-to-face at online para hindi pa rin magsabay-sabay ang pasok ng mga estudyante.

Para masigurong sinusunod ang mga minimum health standard, sinabi ni De Vera na magsusumite kada lingo ng ulat ang mga paaralan sa CHED regional office sa kanilang face-to-face classes. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.