Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Balik-eskuwela sa Amerika hinarang ng Omicron

0 210

Pinagpaliban muna ng maraming paaralan sa Estados Unidos ang balik-eskuwela matapos ang holiday break dahil na rin sa pagtaas ng mga bagong kaso ng Omicron variant ng COVID.

Kabilang sa mga school district na sinuspinde ang balik-eskuwela at nagsagawa muna ng online class ay sa mga paaralan sa Detroit, Milwaukee, Cleveland at Newar.

Base sa mga ulat, tumaas ang mga bagong kaso ng COVID sa Amerika na pinaniniwalaang bunsod ng Omicron variant kung kaya’t maraming school district ang nagpasya na magpatupad na lang muna ng online class ngayong bagong taon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.