Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Balik-eskuwela dagsa sa Pebrero

0 195

Suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Department of Education (DepEd) na palawakin ang mga face-to-face class ngayong Pebrero sa mga lugar na nasa alert level 1 at 2.

Sinabi ni acting Presidential Spokesman Karlo Nograles, walang naging pagtutol ang Pangulo sa naging presentasyon ni DepEd Secretary Leonor Briones sa kanyang Talk to the People kaya ipinauubaya na nito sa kalihim ang hakbang.

Nasa DepEd na aniya ang pagsasakatuparan sa mga extended face-to-face class at kailangan rin ang go signal dito ng Department of Health, mga local go-vernment unit, mga magulang at mga stakeholde¬r ng pamahalaan.

Nauna rito, inihayag ni Briones kay Pangulong Duterte na maingat sila sa kanilang assessment at mataas aniya ang sa-tisfaction levels sa 287 na mga paaralang nag-pilot test sa face-to-face class.

Sinabi ng kalihim na wala ring naitalang tinamaan ng COVID mula sa mga guro at estudyante kaya nais nila palawakin ang mga face-to-face class sa susunod na buwan. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.