Balik-ere ng ‘Sine’skwela’, ‘Bayani, ‘Hiraya Manawari’ pinagbunyi ng mga fan

0 414

Laking tuwa ng netizens dahil napagbigyan ng ABS-CBN ang hiling nila na ipalabas ang “Sine’skwela,” “Bayani,” at “Hiraya Manawari.” Mala-throwback daw ang pakiramdam dahi ang dami nila naalala sa kabataan nila.

Magandang ipalabas ang shows na ito ngayon, para naman may-aral ang napapanood ng mga bata at hindi puro video games lamang ang inaatupag ngayong quarantine season.

Dahil sa sobrang tuwa, hina na napigilan ng netizens na ibahagi ang kanilang saya online.

“Too much nostalgia. These shows taught me so much when I was a child. I wouldn’t be who I am today, if it wasn’t for these shows. I hope they bring back these classics for future generations Sparkles #Sineskwela #Bayani #Hirayamanawari,” sabi ni @jayvelthereader.

Tweet naman ni @peewoah, “Who else sang along with the opening hymn of #Sineskwela today? Hun, this is too nostalgic I can’t even. #Stayhome.”

“When you just woke up and get transported back to childhood when everything is simple and carefree. The feels. #Sineskwela,” kumento naman ng Twitter user na si @drift_wood_df.

“@ABSCBN thank you for #Sineskwela rerun. My son gets to have his Filipino and Science class in one. #LOCKDOWNDIARIES,” dagdag pa ng mommy na si @CarinAlejandria on Twitter.

Mapapanood ang back-to-back-to-back airing ng tatlong shows tuwing Sabado, simula 8:30 ng umaga sa ABS-CBN. Tuwing Sunday naman napapanood ang “MathDali” kasama si Robi Domingo.

Abante – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...