Una sa Balita

Balik-armas sa New Zealand tagumpay

0 245

DAAN-DAANG armas ang isinuko ng may 169 gun owner sa New Zealand.

Ang isinukong mga armas ng mga New Zealander ay binayaran ng gobyerno.

Sa ulat, umabot sa NZ$433,600 ang ibinayad ng New Zealand government sa mga mamamayang nagsuko ng kanilang mga armas na semi-automatic.

Ang pagsusuko ng mga semi-automatic weapon ay bahagi ng ipinatupad na ban sa nasabing uri ng mga armas dahil sa Christchurch attack na ikinamatay ng 51 katao sa dalawang mosque noong Marso.

Umabot naman sa 250 iba’t ibang uri ng armas ang napasakamay ng gobyerno ng New Zealand na kalaunan ay winasak.

Nakipagtulungan naman ang mga mamamayan ng New Zealand sa ipinatupad na hakbang ng gobyerno sa hangaring maiwasan na ang kahalintulad na karahasan.

Gayunman ay may ibang tutol sa pagpapasuko sa mga armas dahil sa mababang halagang ini­aalok ng pamahalaan sa maikukunsiderang vintage nilang mga armas kung saan isa ay 100 taon na pero binayaran lamang ng $150.

Matatandaang minadali ng gobyerno ng New Zealand ang pagpasa sa nasabing batas upang mas higpitan pa ang batas sa pag-aarmas sa New Zealand.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy