Una sa Balita

Balete bumagsak sa bahay, mag-asawa nadale

By
0 3

ZAMBOANGA CITY — Patay ang isang mag-asawa at sugatan naman ang dalawa nilang anak matapos na mabagsakan kahapon ng malaking puno ng balete ang kanilang bahay sa Zamboanga City sa kasagsagan ng malakas na ulan at hangin dahil sa bagyong rumaragasa sa Mindanao.

Hiwalay na nakuha ng mga rescuers ang bangkay nina Jocelyn at Nasser Sajili sa ilalim ng wasak nilang bahay sa Barangay Sinunuc. Agad namang isinugod sa pagamutan ang kanilang mga anak na pawang mga sugatan.

Halos magdamag ang matinding buhos ng ulan at umapaw rin ang mga ilog dito na nagdulot ng mala­wakang pagbaha. Lubog din ang mga sakahan at pala­isdaan sa Barangay Vitali, Talisayan at Labuan.

Ayon naman sa Office of the City Agriculturist, mahigit sa 3,600 ektarya ng sakahan at palaisdaan ang apektado ng pag-ulan at tinatayang aabot sa ha­lagang P54 milyon ang pinsala nito.

Nagsimula ang malakas na ulan at hangin dito nitong Lunes pa at nasa 12,200-katao ang apektado ng pagbaha sa 12 barangay. Suspendido rin ang klase sa lahat ng antas dito mula pa nong Oktubre 16.