Una sa Balita

Baldwin out sa Gilas, Chot ibinalik

By
0 2

Karangalan para kay Tab Baldwin na mapag­lingkuran ang Gilas Pili­pinas bilang coach at maging sa pagbabalik sa dati niyang pusisyong consultant maski nadismaya siya sa desisyon ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.

“I’ve been honored to serve the Filipino fans and Gilas players with our effort to succeed. I’m humbled by the chance to continue this effort,” pahayag kahapon ng umaga ni Baldwin, 58, sa Twitter (@iHob1111).

Pero kinahapunan sa interview pagkatapos ng game ng Ateneo Blue Eagles at UE Red Warriors sa LXXIX UAAP basketball sa The Arena sa San Juan, inamin niyang nadismaya siya sa desisyon ng SBP. Gayunman, nagpahayag pa rin ng buong suporta sa puma­lit sa kanyang si Chot Reyes, 53.

“From my perspective, it’s disappointing every time you lose a job. But I’ve learned quite a while ago that you can’t worry about things I don’t control. I don’t control the Gilas program,” aniya.

“Chot’s got my support. It is my job to do the best I can to help him make this program as successful as it can be. He’ll get a hundred percent out of me,” wakas niya.

Sa pamamagitan ng bagong paunglong si Alfredo Panlilio, ibinalik ng SBP si Reyes para magpando sa Gilas.

Si Baldwin ang naghatid sa national men’s basketball team sa silver medal finish sa 28th FIBA-Asia Championship for Men 2015 sa Changsha, Hunan, China. Na-appoint na coach ang American-New Zealander nung 2014.

Si Reyes ang coach ng 2013-2014 Gilas team, giniyahan din ang Natio­nals sa second place sa 27th FIBA-Asia Cham­pionship Manila nung 2013.