Una sa Balita

Balasubas na car insurance companies

0 304

Calling the attention of Insu­rance Commissioner Dennis Funa, paki puna nga po ito.

Galit na galit ang isa nating bubwit sa kupad ng kilos ng mga insurance company ng sasakyan, mala­yong-malayo sa pa­ngako nilang mabilis at magandang serbisyo kapag naglalako pa lang ng comprehensive car insurance policy.

Kawawa naman ang ating bubwit na pinaghintay ng maraming buwan, una, para sa LOA o letter of authority para ipasok at gawin sa casa ang nasi­rang windshield ng kanyang sports utility vehicle (SUV) na inabot ng siyam-siyam bago naaprubahan, at pa­ngalawa, ang aktuwal na gawaan sa casa na inabot din uli ng ilang buwan.

Alam niyo ba mga pare at mare kung ano ang problema ng ating bubwit na inabot ng napakatagal na panahon bago nagawa ng insurance companies? Palit windshield dahil sa crack na iniwan ng tumalsik na bato sa kalye.

Related Posts

Nang maramdaman ng bubwit na sobrang tagal ng LOA galing sa insurance company, kinausap siya ng company representative at inalok na para bumilis ang release ng LOA ay pumayag na lang siyang ipasok ang SUV hindi sa casa kundi sa isang maliit na talyer na lang. Siyempre ayaw ng ating bubwit kasi hindi ‘yon ang ipinangako sa kanya nang bumili siya ng mamahaling comprehensive insurance at ayaw niya rin kasi baka substandard ang gawa at ‘di sigurado ang piyesa.

Grabe ang mga insurance companies na ito Commissioner Funa, paki imbestigahan nga at paki puna o suspinde o multa. Kapag naglalako ng policy ay ang tatamis magsalita at mangako pero ‘pag naaksidente ka na at gagamitin mo na ang binili mong policy ay mamumuti ang mata mo sa paghihintay at sa pag-iisip kung ano na nangyari sa claim mo.

Commissioner Funa, ang mga insu­rance company na magugulang at niloko ang ating bubwit dahil ‘di tapat sa pangako nila ay ang People’s General Insurance Corp., MAA Insurance Co. at Accord Insu­rance Agency Corp.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy