Una sa Balita

Balasahan sa mga kawani ng Eastern Samar pinakakalkal

0 392

Pinaiimbestigahan ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone sa Kamara ang pagbalasa sa mga kawani ng provincial government ng Eastern Samar.

Ayon kay Evardone, chairman ng House Committee on Public Information, ang reshuffle o paglilipat sa mga empleyado ay alinsunod sa direktiba ni Eastern Samar Acting Governor Ferdinand Picardal.

Sa pamamagitan ng House Resolution (HR) No. 2405 na inihain ni Evardone ay hinihirit nito sa House Committee on Civil Service and Professional Regulation na kagyat na magsagawa ng pagsisiyasat hinggil sa usapin.

Binigyang-diin ni Evardone na ang ginawang pagbalasa sa mga kawani ay paglabag sa batas na sumasaklaw sa pag-empleyo ng civilian government personnel, Magna Carta for Health Workers at iba pang batas.

“Sometime in the second week of January 2019, the acting Governor of the Province of Eastern Samar, Marcelo Ferdinand A. Picardal, allegedly issued, without prior notice or information, several orders purporting to be individual Detail Orders instructing the transfer of around 150 regular employees of the Province of Eastern Samar from their respective original work stations to various offices and departments within the Provincial Government’s control and supervision,” nakasaad sa resolusyon ni Evardone.

Kabilang sa mga inilipat na empleyado ayon kay Evardone ay mga medical professional, gaya ng doktor, nurse, hospital assistant habang ang iba naman ay mga social worker, development officer at mga nasa hanay ng rank and file.(Aries Cano)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy