Una sa Balita

Balanza kumana

0 309

letran kampeon!

MASAYA ang pagtatapos ng collegiate career ni Jerrick Balanza tapos katayin NG Letran Knights ang San Beda Red Lions, 81-79, sa knockout Game 3 finals ng 95th NCAA men’s basketball tournament 2019 Martes nang gabi sa Mall of Asia Arena sa ­Pasay City.

Kumayod si Balanza ng 27 points sahog pa ang seven ­rebounds at five assists habang bumakas si Bonbon Batiller ng 19 para sa pagbabalik sa trono ng CSJL sapul noong 2015 at tinagpas ang may tatlong taong pamamayagyag ng karibal sa liga.

Nakahirit ng knockout Game 3 ang San Beda nang lapain ng SBU ang Intramuos-based squad nitong Biyernes. Ang mga Letranista ang kumpo ng Game 1.
Mainit ang opensa ng Knights sa unang dalawang periods kaya nahawakan ang six-point lead, 44-38 sa halftime.

Nagpatuloy ang pananalasa ng Knights sa third, 69-59 at naging matatag sa endgame para masilo ang matamis na panalo.

Ang bayani ng opener ng Letran na si Fran may krusyal na tinapos na walong puntos upang tanghaling Final MVP. (Elech Dawa)

Ang iskor:
LETRAN 81 – Balanza 27, Batiller 19, Ular 9, Yu 8, Muyang 6, Mina 6,Caralipio 4, Ambohot 2, Balagasay 0, Olivario 0, Javillonar 0, Sangalang 0.

SAN BEDA 79 – Tankoua 22, Oftana 18, Canlas 11, Nelle 11, Doliguez 11, Carino 3, Soberano 3, Bahio 0, Abuda 0, Visser 0.
Quarters: 26-24, 44-38, 69-59, 81-79. 20 SBU 1

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy