Una sa Balita

Balanza kinatay ang Baste

0 322

SAMPA sa susunod na stage ng stepladder semifinals ang Letran Knights tapos magsanib puwersa sina ­Jerrick Balanza at Bonbon ­Batiller upang tuhugin ang ­85-80 panalo kontra San Sebastian Stags sa 95th NCAA basketball ­tournament 2019 Martes sa Cuneta Astrodome sa ­Pasay City.

Kumana si Balanza ng 15 points at si Batiller ng 14 markers upang ilapit ang Knights sa asam na makabalik sa finals.

Makakaharap ng Letran ang kapit-bahay nila sa ­Intarmuros at No. 2 seed Lyceum Pirates sa ­Biyernes sa parehong lugar, ­aabante sa championship round ang ­mananalo rito katapat ang abangers na San Beda Red Lions.

Naroon na ang defending champion SBU dahil winalis ang 18-game eliminations.

Pero ‘di nasira ang diskarte ng Knights, bukod kina Balanza at ­Batiller ay tumulong din sina ­Allen Mina, Larry Muyang at Ato Ular para itakas ang importanteng ­panalo.

“‘Yung players namin, gusto pa nila maglaro, gusto pa nila mag-practice pa bukas. ‘Di sila bumigay sa magandang pinakita ng Baste,” hayag ni Letran coach Bonnie Tan.

Tumikada si Mina ng 12 pts. ­habang tig 11 at 10 markers ang ­tinipa nina Muyang at Ular ayon sa pagkakasunod. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy