Una sa Balita

BALAKID SA KAMPANYA NG PETRON

By
0 113

Apat na matitibay na players ang nawala sa Petron kaya aminado si coach George Pascua na dadaan sila sa butas ng karayom para depensahan ang kanilang titulo sa 2016 Phi­lippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference na magsisimula bukas (Sabado) sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

“Mukhang mahihirapan na kaming makaulit. Lahat ng teams malaki ang improvement,” pahayag ni Pascua, na umukit ng kasaysayan bilang unang coach na ginabayan ang kanyang team sa 13-0 sweep nakaraang taon.

Nawala sa roster ng Petron sina Aby Ma­rano, Rachel Anne Daquis, Dindin Manabat at Fille Cayetano sa event na suportado ng Asics, Grand Sports, Mikasa, Mueller, Senoh, Focus Athletics, KLab Cyscorpions, Islandrose.net, LGR at Petron habang TV5 ang official broadcast partner.

Ang bagong crew sa Tri-Activ Spikers ay sina veteran Aiza Pontillas, Bang Pineda at second overall pick sa PSL Annual Rookie Draft, CJ Rosario.

Ayon pa kay Pascua kahit nawala ang ibang matitikas na players ng Petron ay may ibubuga pa rin ang kanyang koponan dahil sa pagkakadagdag nina Pontillas, Pineda at Rosario at ang pagbabalik ni Ces Molina para makatulong kina Maica Morada, Mayette Zapanta, Mina Aganon at Jen Reyes.

“I like my team. We’re now more aggressive because we got a little younger,” ani Pascua, sa press launch kahapon na dinaluhan ni PSL chairman Philip Ella Juico at Peter Bratschi ng Eventcourt, co-organizer ng FIVB World Women’s Club Championship na gaganapin dito sa Manila sa October.

Unang makakalaban ng Petron ang Foton sa alas-kuwatro ng hapon pagkatapos ng F2 Logistics at Cignal match sa alas-dos ng hapon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy