Una sa Balita

‘Balahura rin ako. Ganyan ang labanan!’ – Kris Aquino

Sabunutan kay Mocha kaabang-abang

By
0 4,868

*‘Gusto mo ng kaaway?

I’m ready!’

*‘Let’s carry it live. Bring

all your followers.

I can stand alone!’

Sa loob lang ng 20 oras mula nang i-post ni Kris Aquino ang Instagram post niya tungkol sa mga hindi na niya napigilang pagsagot o pagbibigay ng reaksyon sa mga pinost naman ni Mocha, umani na ng kulang 400,000 likes ito, bukod pa ang mahigit 6,000 comments na ang karamihan ay pagsaludo kay Kris sa pagtatanggol nito sa alaala ng mga magulang.

Sa post ni Mocha, ipinakita niya ang video­ sa loob ng eroplano bago bumaba ang dating Senador na si Ninoy at bago ito binaril noong August 21, 1983. May humalik na dalawang babae rito at kinumpara ito sa halik sa lips ni President Duterte sa isang OFW sa Seoul, South Korea.

Kahit nasa Japan para ipagdiwang ang kaarawan ng panganay na anak na si Josh, nag-abala si Kris na mag Facebook, IG video live at dito malayang isiniwalat ang nararamdaman, reaksyon at hamon niya kay Asec. Mocha Uson.

Sinimulan ito ni Kris sa pagpapasalamat sa mga nag-comment at naki-simpatya at naniwala sa kanya.

“Thank you from the bottom of my heart, it means a lot. Yung mga pinagdaanan ko, pinag-isipan ko bago ko i-upload. Naramdaman ko talaga na Mom ko yun, Dad ko yun, winawalanghiya na masyado ang alaala nila. So this was just Kris as a daughter, Kris reacting and opening her heart to all of you.”

“I cried, I really, really cried. But I’m stopping myself from crying. Sorry, pero yung timing kasi ng post was Kuya’s birthday. Turo ng Mom, don’t cry and don’t show them that they hurt you. Naalala ko lahat ng kasalanan ko sa Mom ko, lahat ng pinatawad ng Mom ko, lahat ng kabutihan na ginawa ng Mom ko para sa akin. Lahat ng kabuuan ko because of My Mom.”

Ang naalala naman daw niya sa kanyang ama, si Ninoy Aquino ay ang katapangan.

Sa puntong ito, diniretso na ni Kris si Mocha na sobra na ito.

“Sobra ka na, e. Yung ginawa mo, ang mga sinaktan mo, mahal na mahal ko. Ganito na lang, ha? Diretsahan na, babae sa babae, gusto mo ng kaaway? I’m ready. Anytime, anywhere, harapan.

“Gusto mag-debate, keri. Gusto mo gawin natin yung eksena sa movie? Four Sisters And A Wedding.”

Ang tinutukoy ni Kris ay ang eksenang sinabunutan ni Angel Locsin si Mocha sa isang eksena na kinaladkad mula restaurant hanggang sa kalsada.

Sabi nga ni Kris, “Gusto mo gawin natin yung eksena na yun? You want na ako ikaw at ikaw si Angel? Gawin natin para matigil ka na lang.

“What you are doing to my parents, they do not deserve. People will tell me, ‘Why are you stooping down to her level?

“I’m doing this because I love my mom. I love my dad. And if I don’t do this now, I will hate myself. If I don’t do this now, I won’t be the mother I want to be. Because when I’m no longer here, gustung-gusto ko na si Bimb ipagtanggol ako.

“Dahil di perpekto ang buhay ko. Open book ang buhay ko. Alam ko kung ano ang pinagdaanan ko, alam ko kung ano ang nakaraan ko. Pero alam ko na meron tayong mapagpatawad na Diyos, at alam ko kung ano na ako ngayon. At yun ang importante. What you make of yourself because of those mistakes. And if I allow those mistakes and those lies about my parents to continue, I am not worthy to carry their name.”

Dito hinamon ni Kris si Mocha nang harapan­.

“I just wanna say, I am ready for you. This is a direct challenge to you. Face me, anywhere. Text me. You can find my number, andali. Name the place. Name the location. Let’s carry it live. Bring all your followers. I can stand alone.

“But stop it. Stop doing this to two people who have never hurt you. Hindi ka nila binastos dahil patay na sila. Hindi ka rin binastos ng kapatid ko, pero labas siya sa usapan na ‘to.

“Buhay siya, kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya. Pero hindi kaya ng nanay at tatay ko.

“Pero ako, buhay na buhay. So ako, balahura din ako, e. Ganyan, e, ganyan ang labanan e. Kailangan ka talagang lumaban.”

Mahaba pa ang kuwento ni Kris at abanga­n ‘yan sa mga susunod na araw. Pero hanggang sa sinusulat ito, wala pang sagot si Mocha, at ang mga fan, super abang talaga sa sagot ni Mocha.