Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Balahura, plastikadang aktres binasura ng BFF

0 86

Dating BFF ang dalawang aktres na ito. Pero biglang nawasak ang kanilang pagkakaibigan dahil sa pagbago ng ugali ng isa.

Kuwento ni Actress A (AA), halos sister na raw ang turing niya kay Actress B (AB). Madalas daw mag-sleepover sa bahay ni AA si AB. At minsan, kapag galing sa pa-morningan na walwalan si AB, pupunta ito sa house ni AA para doon matulog.

Welcome din daw i-raid ni AB ang walk-in closet ni AA kapag kailangan nito ng damit o accessories para sa magdamagang party nito. Yun nga lang, hindi na raw ulit nakikita ni AA ang mga hiniram ni AB. Pero okey lang daw iyon dahil BFF sila.

May ilang okasyon din na hinihiram ni AB ang kotse ni AA kapag sira ang sasakyan nito. Pero kapag binalik ni AB ang sasakyan, bukod sa paubos na ang gasolina, parang may ipu-ipo na nakapasok dahil sa rami ng kalat at basura. May hindi magandang amoy pa. Pero okey pa rin kay AA dahil BFF sila.

Dumating daw ang time na napapansin ni AA na may mga pagbabago sa ugali ni AB. Kung noon ay nakikinig daw si AB sa mga payo niya when it comes to boys, bigla na lang daw itong nagsusungit at tinawag pa raw siyang pakialamera.

Hanggang sa hindi na raw nagpaparamdam si AB kay AA. Tine-text naman daw parati ni AA si AB para kumustahin at sabihing welcome siya anytime sa bahay nila. Pero dedma na si AB.
Noong tingnan ni AA ang social media accounts ni AB, nakita niya na may mga bagong friends na ito. Mga sosyalin at yayamanin na mga party people. Pero ang suot na outfit ni AB pati na ang bag na bitbit nito ay galing sa closet niya.

Hindi ma-gets ni AA kung bakit ganun ang treatment sa kanya ni AB. Na parang hindi sila naging magkaibigan. Kaya tinapos na niya ang anumang communication dito.

Almost five years na walang nababalitaan si AA kay AB ay nagkita sila by accident sa isang boutique sa mall.

Dahil naka-face mask, sinipat muna ni AA kung si AB iyon. Noong marinig niya itong magsalita, nakumpirma niya na si AB iyon. Pero dahil ‘di na sila BFF, di siya lumapit dito para batiin at kumustahin.

Laking gulat na lang ni AA nang si AB ang lumapit sa kanya. Dahil sinusunod ni AA ang social distancing, di niya niyakap ang dating BFF.

Kinumusta siya ni AB si AA at nami-miss na daw niya ito. Pero ramdam ni AA na pinaplastik lang siya ni AB. Mabilis na nagpaalam si AA dahil wala naman siyang masasabi pa kay AB.

Ang nakakatawa pa, ang gamit na Louis Vuitton bag ni AB ay yung hiniram pa nito kay AA na di na binalik.

Tulad ng kanilang friendship, binaon na ni AA sa limot ang LV bag na iyon. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.