Una sa Balita

Bala sa 2 utol, sinalo ni Kuya

By
0 110

Patay ang isang 32-anyos na lalaki matapos depensahan at iharang ang sariling katawan sa dalawa pang kapatid nang pagtripan silang pagbabarilin ng dala­wang hindi pa kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa Sorsogon City, Sorsogon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Lester Descarga, 32, habang nakaligtas naman sa pamamaril ang da­lawa nitong nakababatang kapatid na sina Levie at Laurel, pawang residente ng Bgy. Sta. Cruz, Bacon District ng nasabing lungsod.

Samantala, patuloy naman ang ginagawang follow-up operation ng pulisya para sa posibleng pagkakakilanlan ng dalawang suspek na lulan ng kulay itim na motorsiklo na bumaril sa magkakapatid.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente pasado alas-12:00 ng madaling-araw habang naglalakad na ang magkakapatid sa kahabaan ng Bgy. Sta. Cruz pauwi na sana sa kanila, galing sa panonood ng piyesta sa kabayanan.

Bigla na lang umanong dumating ang motorsiklo lulan ang mga suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang magkakapatid pagtapat sa kanila.

Nakuha namang iharang ni Lester ang kanyang sarili sa dalawang kapatid kaya sa katawan nito tumama ang lahat ng bala na mula sa mga suspek na agad namang tumakas ang mga ito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy