Una sa Balita

Bala, pampasabog silat sa Rio Olympics

By
0 132

Nabulabog ang unang araw ng isinasagawang 2016 Rio Olympics makaraang may matagpuang pampasabog at pamamaril sa Rio de Janeiro, Brazil.

Ayon sa ulat ng AFP, tinamaan ng stray bullet ang media tent sa equestrian venue habang naagapan naman ang isang pampasabog sa Copacabana finish line ng Rio Olympics men’s road cycling race.

Isang bala ng 5.56mm assault rifle ang tumama sa bubungan ng media tent at nahulog ‘di kalayuan sa Team GB press officer at isang British photographer na nagtatrabaho sa British Equestrian Foundation.

“We are aware of the incident and monitoring the investigation by the security forces. No one was hurt,” ayon sa tagapagsalita ng Rio 2016.

Samantala, nangyari naman ang pagsabog sa Copacabana kung saan ikinagulat ng mga manonood sa men’s cycling road race ang ginawang pagpapasabog ng bomb control officers ang isang kahina-hinalang bagaheng iniwan sa 150 yarda mula sa finish line.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy