Una sa Balita

Bala ipinambayad sa noodles

0 607

PATAY ang isang 37-an­yos na may-ari ng tindahan matapos na barilin ng tinedyer na bumibili sa Gumaca, Quezon kamakalawa.

Isang tama ng bala sa noo ang ikinasawi ng biktimang si Boyet San Buenaventura y Inchensa, residente ng Barangay Progreso.

Sa inisyal na imbestigasyon, bumili muna ang suspek ng noodles sa tindahan ng biktima, subalit pag-abot nito ay sinabayan ito ng pagbaril ng suspek dakong alas-10:00 nang gabi.

Agad na tumakas ang lalaki matapos ang pamamaril.

Ayon sa Quezon PNP, nagalit umano ang suspek matapos itong pagbintangan ng biktima ng pagnanakaw ng tinda niyang uling.

Sa follow-up operation kahapon nang umaga sa bahay ng suspek, naaresto naman ng mga pulis ang tatay nito na si Efren Batugon y Monte­roso, 55-anyos, matapos na matuklasan na may warrant of arrest din ito dahil naman sa kasong robbery in band.

Nabawi rin dito ang improvised caliber .22 na ginamit ng anak. Nakakulong na ngayon ang tatay habang pinagha­hanap pa ang anak nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy