Una sa Balita

‘Bal-bal’ sa AHA

0 7

Isang buwang puno ng kilabot, saya at kaalama­n ang hatid ng ‘AHA! Monster Fest’ ngayong Oktubre. Tatlong ‘mini-movie’ ang itatampok tungkol sa tatlong ‘B’ na kagila-gilalas na mga halimaw sa lokal na mitolohiy­a na hindi pa masyadong kilala­.

Isa rito ang ‘Bungisngis’, mula sa kuwentong bayan ng Bataan, na isang pambihirang nilalang na tawa nang tawa at may iisang mata sa noo nito. Ang ‘Batibat’ naman ay mula sa mga kuwentong-bayan sa Ilocos, na umano ay isang matabang babae na dahan-dahang umuupo sa dibdib ng mga taong natutulog  para magdulot ng bangungot.

Retro in the metro. #VintageVamos #embracethesocks www.WearVamos.com

A post shared by Drew Arellano (@drewarellano) on

At sa Linggo (Oct. 8), tampok ang ‘Bal-bal’, isang nilalang mula sa mga kuwentong-bayan ng Tagbanua at probinsya ng Quezon. Kaya raw nitong mag-iba ng anyo at mahilig daw kumain ng laman ng tao at nabubulok na bangkay.

Gagampanan ni Kapuso star Jeric Gonzales ang papel ni Baldo, isang binatang naghahanap ng kasagutan sa misteryong may kinalaman sa Bal-Bal sa kanilang lugar. Makakasama niya rito ang batikang aktor na si Rolly Inocencio bilang taong-grasa.

Abangan ang 4-part special na AHA! Monster Fest, kasama si Drew Arellano, sa Oct. 8, 15, 22, at 29, 8:30 am, sa GMA-7.