Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bakwit pumalo sa 438K

0 251

Nasa 438,000 indibidwal o 109,000 pamilya ngayon ang bilang ng pansamantalang naninirahan sa evacuation centers dulot ng hagupit ng bagyong Odette sa Visayas, Mindanao, at ilan pang bahagi ng Luzon, base sa report ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon sa Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC) ng ahensya, mula alas-6:00 ng umaga, Disyembre 20 ay nasa 109, 914 pamilya o 438,359 indibidwal na ang nailikas at nananatili sa 2,481 evacuation center.

Kabilang sa mga napinsalang rehiyon ang Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan), Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao, at Caraga.

Nabatid pa na 58,527 pamilya o 193,043 indibidwal ay nakikisilong ngayon sa kanilang mga kaanak.

Leave A Reply

Your email address will not be published.