Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bakunahan ng edad 5-11, pa-booster matumal

0 100

Marami pang batang edad 5-11 ang hindi pa nakatanggap ng COVID vaccines kaya dapat na ipabakuna na ang mga ito.

Ito ang panawagan sa Laging Handa public briefing ni Department of Health Undersecretary Myrna Cabotaje sa harap ng patuloy na vaccine rollout ng gobyerno laban sa COVID-19.

Sinabi ni Cabotaje na bumagal na ang bilang ng mga batang nagpapabakuna kaya mahalagang muling maipaalala sa mga magulang na kailangang maproteksiyunan ang kanilang mga anak laban sa mabagsik na virus.

“Kailangan pa ho nating i-push ‘yong ating 5-11. ‘Yong may mga anak na edad 5-11, pabakunahan ng first dose at second dose,” ani Cabotaje.

Sinabi ng opisyal na maging ang mga nagpapa-booster shot ay matumal din kaya paiigtingin nila ito sa mga edad 18 pataas.

“Matamlay at mabagal ‘yong ating booster. Pinayagan na po na magpa-booster ang 18 and above so please avail of your booster shots because this is going to give us another layer of protection,” dagdag ni Cabotaje. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.