Bakuna vs tigdas, rubella, polio hanggang March 7 – DOH

Nagpasya ang Department of Health (DOH) na palawigin hanggang March 7 ang kanilang pagbabakuna laban sa tigdas, rubella at polio para maabot ang target population na 95% sa isinasagagawang immunization activity sa mga nabanggit na sakit.
Sa pahayag ng DOH nitong Miyerkoles, target ng pinalawig na immunization program ang mahigit 800,000 pang mga bata na hindi pa nababakunahan sa mga target region.

Kasabay nito, muling hinimok ng DOH ang mga magulang at legal guardian ng mga 0-59 month old na mga bata para pabakunahan ang mga ito.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, milyon-milyong mga bata ang naililigtas kada taon mula sa mga nabanggit na sakit dahil sa bakuna.