Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bakuna vs tigdas, polio ikakasa sa Oktubre

0 131

Sa susunod na buwan ay magsasagawa ng pagbabakuna kontra tigdas at polio ang Department of Health (DOH) sa mga bata sa buong bansa.

Sa isang pahayag kahapon, sinabing magsisimula ang supplemental immunization campaign sa Oktubre 26, 2020.

SM food to go Banner Ad

Isa ang measles o tigdas sa mga pinakanakahahawang sakit sa buong mundo. Kapag hindi nabakunahan, hanggang 9 o 10 katao na na-expose sa measles virus ang mahahawa sa sakit.

Sa Pilipinas, nasa 2.4 milyong bata na edad 4 pababa ang posibleng makapitan ng tigdas.

Ang DOH ay suportado ng World Health Organization at United Nations Children’s Fund sa naturang immunization campaign. (SDC)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.