Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bakuna sugod bahay arangkada sa Soccksargen, 2 pang lugar

0 171

PUSPUSAN ang ginagawang pagbabahay-bahay ng mga health care worker ng gobyerno para mapataas ang bilang ng mga nagpapa-booster shot bilang dagdag na proteksiyon laban sa COVID-19.

Sinabi ni Department of Health Secretary Undersecretary Myrna Cabotaje na tinututukan nila ngayon ang buong Region XII kasama na ang Negros Occidental at Negros Oriental dahil sa mababang bilang pa rin ng nagpapa-booster shot.

Nadidismaya aniya ang kanilang health care workers dahil kakaunti pa rin ang nagpapabakuna kahit dinadala na sa mismong mga bahay-bahay ang bakuna.

“Iyon ang mga frustration ng ating ibang health care workers, madaming pumupunta, nag-house to house pero konti lang iyong nagpapabakuna,” ani Cabotaje.

Malayo aniya ito sa resulta ng vaccine rollout noong huling quarter ng 2021 na umaabot ng 1.5 million kada araw, dahil ngayon ay nasa na 200,000 lamang ang average kada araw.

Pero sinabi ni Cabotaje na hindi pa rin sila susuko hanggang sa maabot ang target na mabakunahan ngayong Abril na 69 million. Sa kasalukuyan ay mayroong 67.4 million na mga Pilipinong fully vaccinated na sa buong bansa. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.