Una sa Balita

Bakuna scare pinawi, immunizatio program ng DOH safe – Duque

By
0 1,129

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na ligtas pa rin ang immunization program ng kagawaran para mapigilan ang iba’t ibang sakit.

Ito ay sa kabila ng namamayaning takot na idinulot ng Dengvaxia sa mga magulang ng mga batang nabakunahan nito.

Sa joint hearing kahapon ng House Committee on Good Government and Public Accountabi­lity at House Committee on Health patungkol sa kontrobersiyang bumabalot sa Dengvaxia, inusisa ng mga mambabatas ang usapin patungkol sa pangambang nilikha nito at nadamay pati ang iba pang klase ng mga bakuna­ na itinuturok sa mga bata para mapigil ang iba pang klase ng sakit.

Pinawi naman ni Health Secretary Francisco Duque ang mga pa­ngamba na ito.

Sa katunayan, inamin ni Duque na ilang mga lugar sa Mindanao pati ang pagpupurga ay kinatatakutan.
“Even for a very benign public health program such as deworming, that has also been affec­ted. We get reports from the ground that in Zamboanga, the parents are resisting the deworming activities of the DOH,” sabi ni Duque sa House inquiry.

Gayunpaman, nilinaw ng kalihim na walang dapat ikatakot sa deworming.

“This is really a cause for concern. Just because of this one controversial vaccine, it has indeed tainted the credibility of the entire DOH immunization program,” dagdag nito.

Iginiit ni Duque na ‘safe’ o ligtas pa rin ang immunization proram ng DOH para mapigilan ang iba’t ibang sakit gaya ng tigdas, cholera, tuberculosis at iba pa.

Inihayag ni Duque na pinag-aaralan ng DOH ang pagkakaloob ng incentives sa mga magulang at batang magpapabakuna.

“We’re also looking at the possibility of incenti­vizing, but we would have to further study how far incentivization may provide a better uptake by their parents and their children in the DOH immunization,” paliwa­nag nito.

Samantala, iginiit naman ni Senior Deputy Minority Leader at Buhay Party-list Rep. Lito Atienza na dapat ay humarap si dating Budget Secretary Florencio Abad sa susunod na pagdinig.
Nais malinawan ni Atienza kung nakapaloob sa national budget ang P3.5B na inilaan para sa pagbabakuna ng Dengva­xia.