Una sa Balita

Bakuna sa tigdas, hindi epektibo

By
0 1,215

Naniniwala si Doctors for Life President Dra. Dolly Octaviano na hindi epek­tibo ang bakuna sa tigdas sa mga bata bunsod ng pagkakaroon ng measles outbreak sa bansa.

Ito’y kasunod na rin aniya ng pagdedeklara ng Department of Health (DOH) ng measles outbreak sa Taguig City gayundin sa Region 3, Zamboanga at Davao City.

“Isa lang ang ibig sabihin niyan ang proteksyon, seemingly protection nila via bakuna sa measles is not lifetime unlike sa natural…” pahayag ni Octaviano.

Paliwanag ng doktora, dahil sa hindi natural ang virus na nasa measles vaccine ay malaki ang posibilidad na ito rin mismo ang makapagdulot ng tigdas sa mga bata sa oras na bumaba o humina ang kanilang resistensya.

“Kasi hindi yan natural so at whatever point kapag bumaba yung immune response ng isang bata pwedeng mag-cause mismo ng measles yung virus na ininject via vaccination, so kung nakatanggap yan ng bakuna kasi yung measles is lifetime kapag nagkaroon tayo ng natural na measles hindi na tayo magkakaroon uli…” dagdag ni Octaviano.

Samantala, hinimok naman ni Dra. Octaviano ang mga magulang na mayroong anak na may tigdas na pansa­mantalang ihiwalay at huwag munang papasukin sa paaralan ang mga ito para hindi makahawa, pakainin ng masustansyang pagkain, prutas at painumin ng tubig upang magkaroon ng resistensya ang kanilang katawan.

Sa tala ng Department of Health (DOH), simula noong Enero 2018 ay umaabot na sa 222 ang naitatalang kaso ng tigdas sa buong bansa.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahan, kailangang maging prayoridad ng pamahalaan ang pangangalaga sa kap­akanan ng mamamayan hindi lamang sa usaping pangkabuhayan kundi maging pangkalasugan.