Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bakuna rollout hindi paralisado ng kampanya

0 145

Mananatiling bukas ang mga vaccination site para sa COVID vaccine ng mga hindi pa nabakunanang mamamayan kahit pa abala ang mga lokal na pamahalaan sa pangangampanya.

Ito ang inihayag sa Laging Handa ni Department of Interior Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III kaugnay sa patuloy na vaccination rollout ng gobyerno para mabigyan ng proteksiyon ang publiko laban sa COVID-19.

Ayon kay Densing, walang isasara na mga bakunahan lalo na sa mga probinsya dahil mahalagang mabakunahan lahat ang mga hindi pa nakakatanggap ng COVID vaccine. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.