Una sa Balita

Bakuna kontra tigdas pinangangambahan ng mga magulang

0 50

PAHIRAPAN umano ang pagbabakuna ng Baguio City Health Department (BCHD) kontra tigdas (measles) sa lungsod dahil sa na­ngangamba ang mga magulang na katulad ito ng kontrobersiyal na Dengvaxia vaccine sa kanilang mga anak.

Ayon kay BCHD officer Dra. Rowena Galpo, marami sa mga magulang ang nagdadalawang-isip at umaayaw na ipabakuna ang kanilang mga sanggol at anak.

Sinabi Galpo na hindi mawawala ang takot ng mga magulang sa maaaring negatibong epekto ng nasabing bakuna dahil sa kontroberisyal na dengvaxia na kung saan ilan na ring mga bata ang namatay dito.

Sinabi ng BCHD na ligtas ang nasabing bakuna at makabubuti ito para sa mga sanggol na edad 6 hanggang 59 buwan.

Sinabi pa ni Galpo na libre ang isinasagawang door to door vaccination sa mga bata sa nasabing lungsod. (Allan Bergonia)