Una sa Balita

Bakuna kontra rabies kapos — DOH Region 1

0 200

By Allan Bergonia

AMINADO ang Department of Health-Region 1 (DOH-R1) na mababa ang supply ng bakuna kontra rabies sa buong rehiyon.

Ayon kay Alternative Regional Rabies (ARR) coordinator Dr. Sigrid Agustin, maliit ang naging alokasyon ng budget para sa pagbili ng bakuna kaya kaunti lamang o nasa halos 60,000 na bakuna ang naipamahagi nila sa bawat local government unit (LGU) sa Region 1.

Hinimok ni Agustin ang mga LGU na magkusa nang bumili ng mga bakuna para makamit ng kanilang tanggapan ang target na 80% na ligtas sa rabies ang komunidad.

Aniya, may mga ulat silang natatanggap na mas liliit pa sa susunod na taon ang allocated budget para sa anti-rabies vaccine kaya naman umaasa sila na magagawan ito ng paraan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy