Una sa Balita

Bakuna kontra COVID-19 tine-testing sa mga hayop

0 196

Sumasailalim na sa animal testing ang unang batch ng mga bakuna na magiging pangontra sa coronavirus disease.

Ayon sa Science and Technology Department deputy director ng Zhejiang province na si Song Zhiheng, ang recombinant adenovirus vaccine ay sinusubukan na sa mga hayop para malaman kung magiging epektibo ito sa mga tao.

“But we should be aware that since vaccine development takes a long cycle, we must respect scientific rules and conduct careful and safe research,” ayon kay Song.

Samantala, ang Westlake University ay natuklasan na ang receptor ng coronavirus, na magiging mahalaga para makahanap ng paraan na hindi makapasok ang coronavirus sa mga cell. (RP)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More